do not be defeaned by the silence that I bring... Listen to every message that I say. Cover your eyes, your ears. listen to me... I'll let let you see reality

Monday, February 20, 2006

Panliligaw

Mariing itinatanggi ng aking damdamin ang isang katotohanang alam na ng aking buong pagkatao. Ang mga nararamdaman ko ay hindi maipaliwanag ngunit alam na ang totoong gustong ipahiwatig. Sumasabog ang aking damdamin tuwing naiiisip ko ang bagay na ito. Gusto kong isipin ang mga magagandang epekto nito… magiging masaya ako sa lahat ng gagawin ko. Gusto ko ba siya? Alam ko gusto ko siya… bakit ba ako nag-aalinlangan tungkol sa bagay na ito. Bakit nga ba? Bakit ako nagtatanong ng ganito. Magulo nga kung iisipin pero parang napakadali ng solusyon… imbitahin ko sya lumabas, tapos sasabihin ko lang sa kanya na interesado ako sa kanya. Ganun ka simple. Gusto nya ba ako? Yun ang tanong! Sana nga tama yung pendulum na gusto niya rin ako. Kung sakali man.. magiging masaya na ako. Sana ganun rin sya….

O kaya, sa ibang pagkakataong makapag-uusap kami ng sarilinan, pwede ko kyang sabihin sa kanya? Sana magkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang gusto kong sabihin. Sana, minsan, makita ko siya sa canteen o kaya sa gazebo, walang kasama. Siya lang. Tapos sasamahan ko siya. Sasabihin ko sa kanya… Anong ginagawa mo dyan? Bakit ka nag-iisa. Sana hindi sya bad mood. Tapos magiging masaya sya kapag nakita nya ako. Tapos isasandal nya nanaman yung ulo nya sa balikat ko, gaya ng lagi nyang ginagawa tuwing nagkikita o magkasama kami. Sana gawin niya ulit yun. Haay… masarap sa pakiramdam. Tapos gusto ko siyang akbayan… tapos titignan nya ako tapos titignan ko siya sa mga mata niya. Parang nagbabasahan kami ng mga isip ng isa’t-isa. Tapos ngingitian ko siya. Yung malambing… hindi yung mapang-asar. Tapos sasabiihin ko na sa kanya: alam mo, dati pa akong maygusto sa iyo… hindi kaya tawanan nya lang ako. Kailangan yung romantic. Tingin sa mga mata sabay sabi: ang ganda mo ngayon. Baka sabihin nya lang na “matagal na!” kailangan talaga yung sincere. Paano kaya? Hmmm… ganito… tingin sa mga mata, tapos ngiti, tapos hahaplusin ko yung mga mukha nya ng aking kamay. Yung banayad lang, suave. Tapos yung tipong “I love you” look pero hindi naman gaano kahalata. Yung tipong wala lang, sasabihin ko lang na… na… paano ba?? Hindi ko alam.. buti hindi na sya interested doon sa mga dati nyang crush, bka naman crush nya pa rin pero konti na lang… naghahanap sya ng medyo siryoso naman. Ano kya? Mabait naman siguro ako sa kanya… siguro naman nararamdaman niya rin yung paghanga ko sa kanya. Sana nga. O bka naman, sa sobrang kapal ng mukha ko, hindi na nya makita ang tunay kong damdamin. Sana nga gusto niya ko. So, ulit. Titignan ko siya tapos ngingiti, hahaplusin ko ang mukha nya, tapos, sasabihin kong : alam mo na ba? Ang maganda sanang sasabihin nya: dati ko pa alam… sana ganun, tapos yayakapin ko siya ng mahigpit, tapos titignan ko ulit siya… sasabihin ko: gusto talaga kita… pwede ba? Tapos sana tumanghod na lang diya, tapos, parang maluha-luha na yung mga mata, tapos yayakapin nya ulit ako. Yun lang tapos isasandal nanaman niya yung ulo niya sa akin. Tapos titingin kami sa kawalan… matagal na matagal.

Sana nga ganun mangyari… paano kung hindi nya ako gusto… titignan ko siya tapos hahaplusin ko sana yung mukha niya tapos bigla siyang umilag… tapos sasabihin niyang: anong ginagawa mo… tapos magpapalusot ako, sasabihin ko… may dumi sa mukha mo, o kaya ang oily ng mukha mo. Sabay ngiti…o kaya bigla nyang sinabing Huwag! Kaibigan kita, ayokong masira yung pagkakaibigan natin.. sana nga, sa gagawin kong yun, hindi masira yung pagkakaibigan namin. Pero siguro maiilang na yun sa akin… iiwasan siguro ako nun kapag yun ang ginawa ko… ayoko ngang mangyari yun… pero eeeee… gusto ko talaga siya eh!

Oo nga gusto ko nga siya… paano kung gusto nya ako tapos naging kami na.. anong gagawin namin… lalabas kami? Magdedate kami sa labas… tapos lalabas kami sa mga lugar na kami lang ang nakaka-alam… kakain kami… mag-uusap kami… ganun lang… tapos ano na? Kailan bang sasabihin na kami na nga??? Pero sana maging magkaibigan kami… ayaw naming tawagin kaming mag-on… iba na kasi ang ibig sabihin nun sa atin eh… kaya lalabas lang kami… tapos mag-uusap, sa telepono, o kaya kahit saan, wlang kwentang usapan pero masaya kami… tapos, hanggang ganun lang? Wala nang ibang mangyayari… pakikilala ko siya dito sa bahay, tapos pakikilala nya ako doon sa bahay nila… ano kaya… wala naman akong kotse… paano kaya… tapos, wala rin akong pera… naman… kung kailan gusto mo nang magkaroon ng pera, biglang mawawala… tapos kapag wala na yung pera, hahabulin mo na… sana yung pagkakataong gagawin ko na yung plano ko, magkaroon na ako ng sapat na pera paer mailibre ko siya sa labas… kakain kami… o kaya ipapasyal ko siya kung saan man… yung maganda… tapos wala lang magkukwentuhan lang ulit kami…

Siguro magiging misteryo na ang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. Hindi ko man alam kung paano sabihin sa kanya, nararamdaman ko na meron akong special something para sa kanya… ganun ba ang nararamdaman kapag naiinlove ka? Paano nga ba manligaw?

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home