An Oratorical Piece on Love
An oratorical piece about love
pakwan_vendor
masarap umibig... feeling mo safe ka... secure ka... mahal ka niya at mahal mo siya... bakit pa ba kailangan mag-mahal... dahil hindi mo kayang mag-isa? ang hina mo naman... takot ka pag nag-mahal ka! ayaw mong iwanan ka ng iba... nagpapagamit ka lang! Ano bang mapapala mo diyan? mag-aasawa kayO? dadami lang ang tap sa mundo! Puta pare, diwag ka! Hindi mo kaya kung wala kang minamahal! Punyeta, kailan ka pa matututo? pag wala na siya? baka mag-hanap ka lang ng iba... Lagi ka na lang bang aasa sa kanya para mahalin ka!
Stupido... mang-mang, inutil, sutil... pwede bang ganyan? Wala kang lakas ng loob... hindi mo kinikilala ang sarili mo! Tanga ka! Tanga Ka! Tanga ka!
teka...ako yata ang natatakot... walang nagmamahal sa akin... ako yata ang diwag... pakiramdam ko hindi ako safe... wala akong minamahal! at walang nagmamahal sa akin... nakakatakot!... tang-ina! ako pala ang tanga! ang tanga tanga tanga ko! bakit ang tanga tanga tanga ko! hindi ko na alam ang gagawin ko... tulungan nyo ko... ayoko nang nag-iisa... huwag ninyo akong iwanan... sorry... ang sakit-sakit kasi eh! ang sakit-sakit! natatakot akong magmahal... iiwanan lang naman ako... hindi ako matapang... natatakot ako... ayokong masakatan... gusto ko anang magmahal... ayoko nang matakot ayoko na! ayoko na! ayoko na! ayoko na!
tulong! kailangan kita!

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home